Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aga magpabilib ni Mayor Sara

0 218

Si incoming Vice President Sara Duterte Carpio ay kilala lamang ng maraming Pilipino na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero maliban sa pagiging anak ng Pangulo, nakilala rin ang incoming VP dahil sa ipinakitang angas nang walang takot nitong suntukin ang isang sheriff sa Davao City na nasa likod ng isang demolition.

Ganun kaastig si Mayor Sara. Ipinaglalaban ang alam nyang tam at walang takot sa sinumang kaharap.

Sabagay patunay na ang paulit-ulit na pahayag dito ng Pangulong Duterte na tiklop ito sa kanyang anak.

Pero ngayong national position na ang hawak ng panganay na anak ni Pangulong Duterte, mas marami itong kailangang ipaglaban. Mas maraming niyuyurakang karapatan ang tiyak kong haharapin ni Mayor Sara at sana nga ay matagumpay niyang maresolba nang mahinahon upang makamit nya anuman ang hangad niya sa ginawa niyang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

***

Sa kabilang banda iba rin talaga ang galawan ng mga politikong sa probinsya naglingkod na matagal na panahon. Kitang-kita ang sipag sa serbisyo. Personal ang kanilang approach kagaya ng ginagawa ni Pangulong Duterte sa ilan niyang mga naging aktibidad.

Si incoming VP naman ay ramdam mo ang sipag dahil hindi pa nagsisimula ang kanyang tungkulin ay mababalitaan mo na ang pagpaparamdam niya ng presensya.

Yung tipong gusto magtrabaho para patunayang hindi nagkamali ang ating mga kababayan sa pagpili sa kanya sa puwesto. Malayong-malayo sa ilang politikong mas piniling magbakasyon grande agad para bawiin ang panahong inubos sa kampanya.

Nanalo na nga naman, mukhang ang nasa kukote ay sarili naman muna saka na ang pinangakuang mga kababayan?!

Nabanggit ko ito dahil napabalitang dumalo si Mayor Sara sa moving up ceremony ng isa nitong suporter sa Pangasinan.

Pumunta raw si Duterte sa San Carlos para samahan si Angel Mae na anak ng isang overseas Filipino worker (OFW).

“Si Angel Mae nakasama natin sa kampanya sa San Carlos, Pangasinan, nagbigay siya ng sulat sa akin nag-explain na kung puwede ako ang umattend sa moving-up ceremony niya dahil OFW ang nanay niya at hindi pa makauwi.”

Nakakabilib si Mayor Sara sa kanyang ginawa.

Nakakakilabot na may ganitong klaseng politiko sa ganitong panahon kung saan ay katatapos lang ng kampanya at nanalo naman pero handa pa ring ibigay ang sarili lalo na sa mga kabataang kailangan ng kalinga ng isang ina.

Mayor Sara, saludo sa inyo at hangad ko ang inyong tagumpay sa mga darating pang panahon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.