Abante Tonite Interactive

Aga, Nadine gagawin ang pelikula nina Ryu Seung Ryong, Kal So Won

630

tonite-annyeong-rose-garciaAng daming natuwa sa ipinost ni Ryu Seung Ryong sa kanyang Instagram account. Tila reunion nila ng dating child actress na si Kal So Won.

Sila ang mag-amang nagpa-antig ng napakaraming damdamin ng mga manonood nang pagbidahan nila ang 2013 South Korean film na “Miracle in Cell No. 7.” Ito yung kuwento ng isang mentally challenged na tatay pero pinagbintangang nakapatay. Wala yatang hindi pinaluha ng pelikulang ito sa mga nakapanood.

At that time, halos limang taon pa lang ang Korean child actress. Pero ngayon parang teenager na teenager na sa edad na dose. Maging ang actor na si Ryu Seung Ryong ay nagulat na malaki na raw ang kanyang “anak.”

Sa IG post ng actor, nilagay nito ang caption na, “Father-daughter reunion.

So Won is eating lots of beans and growing up healthy on Jeju [Island].”
Sa mga nakapanood ng pelikula, alam nila na linya sa pelikulang Miracle in Cell no. 7 ang caption ng actor kunsaan, sinabi niya sa character ni Kal So Won na, “Ye Seung, you have to eat beans! Beans! Vitamin!”

Ang batang actress ay nakilala talaga sa naturang pelikula, pero after that, nagtuloy-tuloy na ito sa kanyang acting career.Ang isa sa mga huling nagawa niya ay ang Hwayugi bilang young Jeon So Mi.

Sa isang banda, ang Miracle in Cell No. 7 ay nabili ng Viva Films ang rights at gagawan ng Pinoy adaptation. Ang actor na si Aga Muhlach ang gaganap sa papel ni Seung Ryong at si Nadine Lustre naman ang adult na Kal So Won.