Abante Tonite Interactive

Aga-Nadz movie kinuwestyon ang paglusot sa MMFF

448

CUATROS

RODEL F­ERNANDO: Inilabas na ng MMFF 2019 ang unang apat na entries nila para sa taunang film festival sa Disyembre. Ang mga ito ay ang “(K)Ampon”, “Ang Miracle in Cell #7”, “Mission Uns-tapabol:  The Don Identity” at ang “Momalland”.

Sa script ibinase ang pagkakapili ng apat na pelikulang ito at ang apat na kukumpleto ay iaanunsiyo kalaunan base naman sa finished film.

Ngayon pa lang ay naiintriga na ang MMFF. Bakit? Kilala kasi ang film festival sa pagpupugay sa kultura, kalina-ngan, values at larawan ng pagka-Pilipino at ng bansa na rin sa kabuuan sa pamamagitan ng mga kalahok na pelikula. Isa sa pinakamatinding pamantayan ay ang itaaas ang pelikulang sariling atin, pero bakit nakalusot ang isang pelikula na galing ang istorya sa isang Korean Film? Puwede pala ang ganito? Nag-isip ba ang komite ng MMFF bago aprubahan ito o nagbulag-bulagan na lang?

RONA AVECILLA: ‘Yan din ang unang napansin ko, Kuya Rodel. Parang hindi naisaalang-a-lang ang tunay na kahulugan ng Metro Manila Film Festival.
Kaya naman nakapagtataka na nakapasok ang isang Korean-adaptation film sa mga official entries. Dahil ba naging blockbuster ito at marami sa ating mga Pinoy na nakapanood ang pinaiyak nito?

ROMMEL PLACENTE: Agree ako sa sinabi mo ka-Cuatros na Rodel. Bakit nga nakalusot ang pelikula nina Aga Muhlach at Nadine Lustre to think na kuha nga ang istorya nito sa Korean movie na “Miracle In Cell #7”?

Dapat talaga gawang Pinoy, ‘yung original screenplay ‘di ba? Hindi Korean adaptation. Hindi ba sinunod ng selection committee ng film fest ang kanilang criteria o nabago na ang pamantayan nila sa pagpili ng pelikulang kasali?

Siyempre nga naman, maganda na rin ‘yung may movie sa MMFF sina Aga at Nadine. Baka inisip nila, panghatak rin sa takilya. Na makakatulong sa kikitain ng film fest.

Pero malakas pa nga ba ang panghatak ng dalawa sa takilya? Ban-kable stars pa nga ba sila? Ang pagkakaalam ko, ang huling pelikulang ginawa ni Aga with Bea Alonzo ay so-so lang ang kinita, ganundin ang huling pelikula ni Nadine na “Ulan” katambal si Carlo Aquino.

MILDRED BACUD: Sang-ayon naman ako sa ‘yo kasamang Rodel, ang MMFF sa kabuuan ay pagsuporta sa pelikulang Pilipino. Kaya naman sa duration ng nasabing festival ay walang foreign movies na ipinalalabas.

Pero bakit nga nakalusot ang isang ­adaptation? Wala na nga ang mga panahon no’n na masasabing de-ka-lidad ang mga pelikula at hindi puro komer-syalismo. Sinubukan naman nilang ibalik ito. Kung matatandaan niyo halos independent films lamang ang pinayagan sa MMFF two to three years ago pero ngangey ang kinita sa takilya kaya balik sa dati, ang pagtanggap mostly ng commercial films. Wala eh, after din ang festival sa kikitain lalo’t alam naman natin na maraming beneficiaries ito.

Sa pagsala naman ng mga papasok na pelikula, ano nga ba ang basehan nila? Paano na ang mga na-reject na pelikula nina Coco Martin-Ai Ai Dela Alas-Jennylyn Mercado, Nora Aunor, Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Snooky Serna at iba pa?