Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aga ‘nagpabanat’ ng mukha

0 240

NI: ARCHIE LIAO

Usap-usapan ngayon ang bagong ad ni Aga Muhlach para sa isang milk brand.

Ang lakas daw maka-bagets ang kanyang hitsura.

May nagtatanong din kung nagpabanat daw ba ng mukha ang aktor dahil balik pang-romantic lead ang hitsura ng award-winning aktor.

Hirit naman ng iba, tila binagayan ng quarantine si Morning dahil maganda ang aura.

Nakadagdag pa sa hype at nostalgia na ito na kasama niya sa naturang commercial ang Bagets co-star na si Eula Valdes.

Dahil dito,nabuhay ang pag-asa ng cult fans ng nasabing coming of age movie na makita muli ang mga heartthrobs na kanilang hinangaan noong dekada 80.

Ayon naman kay Aga, willing siyang makatrabaho muli ang kanyang Bagets co-stars sa isang reunion movie if the project is right.

Si Aga ay balik-TV 5 bilang hurado ng The Masked Singer na iho-host ni Billy Crawford.

Leave A Reply

Your email address will not be published.