Abante Tonite Interactive

Aga nagpayanig sa dulo

249

Palakpakan ang audience pagkatapos ng screening ng pelikulang “Nuuk” sa red carpet premiere nito nu’ng Lunes sa SM Megamall Cinema 1.

Kung nag-i-expect kayo ng feel-good, romcom movie ay hindi ito ‘yon dahil iba ang tema ng reunion movie nina Aga Muhlach at Alice Dixson.

Actually, parang masagwa naman kung mag-romcom pa sina Aga at Alice sa mga edad nila ngayon, so tama lang na ganito ‘yung gawin nila para maiba naman.

Ito ‘yung klase ng pelikula na hindi dapat kinukuwento at mas mabuting panoorin na lang para hindi ma-spoil kung saan papunta ang kuwento.

Si Alice ay si Elaisa Svendsen, isang biyudang nakatira sa Nuuk, Greenland, na mula nang mamatay ang Danish na asawa ay malungkot ang buhay at lumalaklak ng Prozac para makatulog.

Nagkaroon siya ng kaibigan at karamay nang makilala niya ang misteryosong karakter ni Aga na si Mark Alvarez.

Malaking tanong sa amin kung bakit nagtitiis pa rin sa napakalamig na lugar na ‘yon si Elaisa gayong puwedeng-puwede naman itong umuwi ng Pilipinas at plano pa nga niyang magtayo ng negosyo sa Dakak.

Maging ang rebelde at lasenggo niyang anak na si Karl (ginampanan ni Ujarneq Fleischer na isang kilalang aktor doon sa Greenland) ay gusto ring bumalik ng ‘Pinas, so anong rason at nandu’n pa sila sa lugar na ‘yon?

‘Sabagay, Nuuk nga kasi ang setting ng pelikula at kung umuwi sila ng ‘Pinas ay wala nang istorya.

Hindi sa Nuuk kundi sa Dakak naganap ang love scene nina Aga at Alice. Hindi na namin hinanapan pa ng akting si Alice dito dahil mas kilala naman siya sa ganda niya (hindi siya mukhang 50-anyos, in fairness) kesa sa pagiging aktres niya.

Okey ‘yung aktor na gumanap na anak ni Alice, pati ‘yung gumanap na ex-girlfriend nito na may pasabog na eksena sa may ending.

Si Aga ay nasa bandang dulo rin ang payanig na highlight. Nagrereak ang audience doon sa twist nu’ng finally ay ma-reveal na ang tunay nitong pagkatao at motibo. Uso yata talaga ngayon ang mga palabas na may kinalaman sa mental health at mas mabuti ‘yon para mas napag-uusapan ito.

Ang “Nuuk” ang unang Pinoy film na kinunan sa Greenland kaya bibilib ka rin sa effort ng direktor nito na si Roni Velasco. Ngayon ang showing ng Viva Films movie in cinemas nationwide.

Paolo bawal tumigas ang nota sa gag show

Kilala ang “Bubble Gang” sa pagiging naughty o pilyo, na minsan ay may halong kabastusan ang mga biruan at kalokohan.

May pagkakataon kaya na naging hindi komportable sa script o sa mga joke na pinapagawa sa kanila ang mga girls ng “Bubble Gang”?

Sagot ni Kim Domingo, alam ng lahat na nag-start siya sa pa-sexy at wala siyang restrictions noon kung anong puwede niyang isuot sa “Bubble Gang”.

Tapos ay dumating na sa point na medyo hindi na siya ganu’n kung magpa-sexy, pero hangga’t maaari ay ginagawa pa rin daw ito ni Kim para sa show.

“Thankful po ako sa lahat ng bumubuo ng ‘Bubble Gang’, kasi nirespeto po nila ‘yung kung anuman po ‘yung gusto kong mangyari ngayon.

“Napakalaking utang na loob ko po talaga sa ‘BG’ na until now, kahit na medyo nabawasan na ‘yung pagpapa-sexy ko, nandito pa rin po ako,” bulalas ni Kim.

Sey ni Valeen Montenegro, walang masusulat ang writers ng show nila na hindi puwedeng iere sa TV at puwedeng maging dahilan para maging uncomfortable sila.

Singit ni Paolo Contis, silang boys ang uncomfortable ‘pag kailangang mag-swimsuit ng girls dahil sobra ang kaseksihan ni Valeen.

Ani Chariz Solomon, wala naman daw ganu’n. Common problem sa girls ‘yung pagsusuot ng swimsuit, pero ‘yung sa kanya raw ay pinapabawasan pa ‘pag masyadong sexy. Pinapababa raw ‘yung sa bandang singit niya.

“Ako kasi, I’m very comfortable with my skin. With my skin?! Kahit puro stretch marks?! Charr! Ako, laban. Ang saya-saya kong maghubad. Charr!” hirit ng kikay na si Chariz.

Dagdag niya pa, wala raw problema dahil open at healthy ang communication nila sa show. Nag-a-adjust naman daw ang staff kung saan sila komportable.

Sey ni Lovely Abella, walang ganu’n pero ‘pag may script na hindi maayos ang joke sa dulo, pinag-uusapan nila kung anong magandang pandulo nito.

Dayalog ni Ashley Rivera, kung nasa script man daw na medyo bastos, hindi raw ito ‘yung tipong may laman. Trabaho lang daw.

Pakli naman ng bagong member ng grupo na si Arny Ross, walang ganu’n. Minsan nga raw, ‘pag hindi sexy ang suot niya ay siya pa raw ang nagrereklamo.

Hirit ulit ni Paolo Contis, “Ang puno’t dulo naman po ng ‘Bubble Gang’ ay magpatawa, hindi po mambastos.

“Minsan lang, may konting kabastusan, naughty. Pero ‘yung pagiging naughty po, hindi po ‘yon umaangat sa nota.

“Naughty lang, no tigas! ‘Yun po ‘yung ano namin, no tigas sa taping. Bawal po. Magkakapatid po kami rito. No tigas!” nakangiting sambit pa ni Paolo.