Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aga ‘napikon’ kay Lea

0 97

Hanggang ngayon, hindi pa rin maka-get over ang ilang kibitzers sa naging reaksyon ni Aga Muhlach sa post ng singer-actress na si Lea Salonga.

May kinalaman ito sa pagpanaw ng ace photographer na si Raymund Isaac.

Sa Twitter kasi, nagpahayag ng pagkadismaya ang Broadway diva sa mga tao at celebrities na nagpo-post tungkol sa pagkamatay ng nasabing photographer of the stars.

Para sa kanya, unethical daw ito at dapat ay maghintay raw muna ng kumpirmasyon mula sa pamilya mismo ni Raymund na mag-anunsyo ng balita kesa pinangungunahan pa nila ito.

Banta pa ni Lea, dahil sa pangyayari, parang gusto na raw niyang i-unfriend ng ilang kaibigan.

Tinawag pa niyang assholes ang mga nangunguna sa pagkakalat ng sad news tungkol kay Raymund.

Matatandaang isa kasi si Aga Muhlach sa mga nag-post sa pagkamatay ni Raymund at nagpahatid ng kanyang pakikiramay sa pamamagitan ng kanyang social media account.

May mga nagsabing napikon daw umano ang actor sa kanyang dating love team partner dahil feeling nito ay isa siya sa mga pinarurunggitan ni Lea.

Nakapag-emote rin daw ito na tila di niya bet ang pakikialam ng singer-actress sa pakikiramay niya sa yumaong kaibigan.

May bumabatikos naman kay Lea dahil sa pagkakaalam daw nila ay ang husband ni Raymund na si Jayson Vicente lamang ang maituturing na pamilya nito.

Dagdag pa nila, isang showbiz darling din daw si Raymund dahil sa lovable at amiable personality nito. Hindi maiaalis na mag-react o makiramay ang mga celebrities na inalagaan nito at na-touch ang mga buhay noong nabubuhay pa ito.

Dahil sa kaganapang ito, may mga tsikadorang nang-iintrigang may silent feud daw ang dating mag-partner.

Bukas ang pitak na ito sa mga panig nina Aga at Lea sa usaping ito.

Mateo pinasaringan sa audition video ng ex

Marami ang nag-react sa audition video ng ex ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion.

Nakakaladkad kasi ang pangalan ng Ms. Universe Philippines 2020 dahil sa emote niya sa nasabing video.

Aniya, bagamat malungkot daw na ma-isolate ang isang tao sa kanyang pamilya dahil sa corona virus, wala namang katumbas na sakit ang iwan ka ng minamahal mo dahil sa korona.

Dahil sa hanash niyang ito, hindi namang maiwasang umani ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens.

Sey ng iba, nadadawit ni Neil ang ex lalo pa’t gusto pumasok ito sa Bahay ni Kuya.

Hirit naman ng iba, medyo nalagay raw sa ‘bad light’ ang beauty queen na parang lumalabas na ipinagpalit ang kanyang nobyo dahil sa kasikatan o ‘korona.’

Sey naman ng iba, sana raw ay hindi na lang ‘nagpasaring’ ang dating boyfriend ng Ilongga beauty sa pangarap nitong maging PBB housemate.

Ang dating dyowa ni Rabiya ay isang frontliner.

Tumagal din ang kanilang relasyon ng anim na taon.Noong Hunyo, nag-break ang dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.