Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aga ninong sa kasalang Vice-Ion

0 183

NI: ROLDAN CASTRO

Walang kamalay-malay si Aga Muhlach pero nagsilbing tulay pala siya ng romansang Vice Ganda at Ion Perez.
Pag ikinasal nga raw ang dalawa kukunin daw nilang ninong si Aga.

Sey ni Vice sa ‘It’s Showtime’ nag-text daw siya nu’ng birthday ng aktor last August 12.

Nagpasalamat daw siya dahil malaking bahagi ng buhay niya si Aga.

SM food to go Banner Ad

Nu’ng mag-guest pala si Morning sa GGV para sa promo ng “Seven Sundays” ay nasa audience si Ion bilang isa sa kinatawan ng Misters of Filipinas 2017 .

Naikuwento raw ni Ion na siya ‘yung pinakilala ni Aga sa kanya.

Actually hindi na matandaan ni Muhlach ‘yun. Kahit si Vice ay din rin niya maalala hanggang magkita nga sila ni Ion sa “It’s Showtime”.

Pagbibiro ni Vice, “Si Aga Muhlach ang dakilang bugaloo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.