Abante Tonite Interactive

Aga pinaiyak ng batang biritera

461

Caught on camera ang magaling at award-winning actor na si Aga Muhlach na lumuluha nang mag-guest siya sa show ni Willie Revillame.

Nadala kasi siya sa eksena at naantig sa kuwento ni Mela, isang batang biritera na contestant sa nasabing Kapuso program.

Sa kanyang mensahe, nagpapasalamat ang bata sa suportang ibinibigay ng kanyang mga magulang sa kanyang pagkanta.

Anito, masuwerte siya na magkaroon ng mga magulang na itinuturing niyang sandigan.

Luhaan naman ang mag-anak dahil sa mensahe nila sa isa’t isa.

Maging si Willie ay humanga rin sa pagmamahalan ng mga ito.

Nang ipokus na ang kamera sa bida ng “Miracle in Cell No. 7”, huli itong nagpapahid ng luha matapos ang tagos sa pusong eksena.

Nakaka-relate rin si Aga dahil isang magulang siya at parang nabuhay muli ang eksena nila ni Xia na gumaganap na anak niya sa kanyang top grosser na MMFF movie.

Dahil sa tinamong tagumpay sa box-office ng “Miracle in Cell No.7”, mas ganado si Aga na mag-produce ng pelikula. (Archie Liao)