Abante Tonite Interactive

Aga willing makatrabaho si Ryu Seung Ryong

281

Sobrang happy ang ‘Golden Boy of Philippine Cinema’ na si Aga Muhlach dahil patuloy na pinag-uusapan sa social media ang trailer ng kanyang MMFF entry na “Miracle in Cell No. 7”.

Mula kasi nang ilabas ang trailer nito, umabot na agad ng 20 million views ito sa lahat ng media platforms.

Katunayan, flattered siya dahil pati ang lead actor nito sa original na si Ryu Seung Ryong ay nagustuhan ang trailer ng nasabing movie.

Positibo rin ang ibinunga nito dahil naging textmates sila ng versatile at award-winning Korean actor.

Pagbabahagi pa ni Aga, inimbitahan din daw niya ito para panoorin ang kanyang bersyon sa premiere night ng pelikula.

Sey pa niya, excited din daw siyang ma-meet ito in person at mapasalamatan dahil sa suporta nito sa kanyang pelikula.

Pati raw ang misis niyang si Charlene Gonzales ay nag-uumapaw ang tuwa na makita ito nang personal.

Dagdag pa ni Aga, open din daw siya na makatrabaho ito kung magkakaroon sila ng kolaborasyon.

Sa “Miracle in Cell No. 7”, ginagampanan ni Aga ang role ni Joselito, isang mentally challenged na ama na nakulong at nakaranas ng kawalan ng hustisya nang mapagbintangan siya sa krimeng hindi niya ginawa.

Kabituin niya rito ang bagong child wonder na si Xia Vigor at acclaimed actress na si Bela Padilla.

Ang “Miracle in Cell No. 7” ay nasa listahan ng highest grossing domestic films of all time sa Korea.

Dahil sa ganda ng kuwento nito, ginawan na rin ito ng adaptation sa India at Turkey. (Archie Liao)