Abante Tonite Interactive

Aganon, Ortiz bayanihan sa pagtisod sa Sta. Lucia

By
0 54

Pinatid ng Foton ang kanilang three-game skid matapos kalusin ang Sta. Lucia, 25-23, 23-25, 25-20, 25-18, kahapon sa huling araw ng kanilang preliminaries ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Batangas City Sports Coliseum.

Nagbayanihan sa opensa sina Mina Aganon, Carla Sandoval at Maika Ortiz upang muling manalo ang Tornadoes at paghugutan ng lakas papasok ng knockout quarterfinals.

Kumana ang isa sa magagandang mukha sa PSL Aganon ng 17 points mula 12 kills, apat na service aces at block habang bumakas sina Sandoval at Ortiz ng tig-12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Nagpakitang-gilas din si Ivy Perez sa kanyang mga kababayan matapos magrehistro ng 25 excellent sets para sa Foton na ginagabayan ni coach Aaron Velez.

“I think we forgot to enjoy we had a great start but suddenly my players were affected with the unfortunate situations that happened to our team,” patungkol ni Velez sa kanyang mga pambato na sina Arianne Layug at Shaya Adorador na may injuries. “There were lapses in the first two sets but when my players smiled and started to enjoy the game, we found our groove and confidence.”

Lumanding ang Tornadoes sa fourth tangan ang 6-4 win-loss record sa event na suportado ng Isuzu, Mikasa, Senoh, Asics, Mueller, UCPB Gen at Bizooku kasama ang Genius Sports bilang technical sponsor.