Abante Tonite Interactive

Aganon, Ortiz mabagsik sa Tornadoes

By
151

Itinarak ng Foton Tornadoes ang ikaapat na sunod na panalo sa 26-24, 25-15, 25-19 panalo kontra Smart Giga Hitters sa Philippine Superliga All-Filipino Conference Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Walang mantsa sa apat na walang, binitbit ni Mina Aganon ang Tornadoes sa isinalansang 13 puntos katuwang si Maika Ortiz na may 11 points.

Bagsak sa 1-2 baraha ang Giga Hitters.

Abante Hiring – IT dep

Masaya si Foton coach Aaron Velez sa panalo ng kanyang tropa at sa kontribusyon ng kanyang starters at bench pero hindi nito maalis ang pag-alala sa nangyari kay Arianne Layug.

Sa kalagitnaan ng first set ay uminda ng sakit sa tuhod si Layug nang magkamali ito sa pagbagsak matapos ang pagpalo nito kaya agad itong inilabas sa court.