Abante Tonite Interactive

Agatha ginawan ng gown ni Paolo

By
0 529

Napakinabangan ni Paolo Ballesteros ang kanyang pagiging kikay pagdating sa pagpapaganda dahil siya ang gumawa ng gown ng candidate #23 na si Agatha Lei Romero sa Mutya ng Pilipinas 2018.

Ayon pa kay Paolo, ginawa lang daw niya iyon para sa isang kaibigan at hindi niya masasabi kung kakarerin na rin niya ang pagiging gown designer.

Hirit pa niya, siya rin daw naman kasi ang nag-aayos sa kanyang sarili kasama na ang damit niyang isusuot kapag may mga tapings, shows at personal appearances siya.

Abante Hiring – IT dep

Bukod sa pagme-make up, metikuloso rin daw siya sa pag-aayos sa sarili lalo na kung in character siya.

May naitulong din daw ang pagiging MakeUp Transformation King niya para madamitan niya nang maayos ang naturang kandidata.