Abante Tonite Interactive

Agaw-Eksena sa nakaraang 3 taong SONA ni Digong

578

Bukas, Hulyo 22, 2019 ay muling mag-uulat sa samabayanan sa pamamagitan ng kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Balikan natin ang mga kaganapan o agaw-eksena ng Pangulong Duterte sa nakaraang tatlong taon.

Nitong nakaraang 2018, tumagal ng halos isang oras bago simulan ang SONA ng Pangulong Duterte dahil sa biglaang pagpalit ng liderato at kung sino ang uupo bilang House Sepaker sa Kongreso, kasama ng Senate President.

Abante Hiring – IT dep

Dahil dito ay hindi nakapagpigil si actor Robin Padilla na maglabas ng kanyang galit sa nangyaring pagpapalit ng liderato sa Kamara. Nag-live ang aktor sa kanyang Facebook habang patu-ngo sa Batasang Pambansa at tinuligsa ang pambabastos at pananapaw sa Pangulo ng ilang mambabatas sa Kongreso.

Magugunitang alas-kuwatro nang hapon dapat simula ang SONA ng Pangulong Duterte subalit naantala ng isang oras dahil sa sorpresang panunumpa bilang bagong House Speaker ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo kapalit ni Pantaleon Alvarez.

Binanatan din ni Padilla ang pagkaantala ng SONA ni Duterte dahil sa komosyon sa Kongreso.

Matapos nito ay nanawagan si Binoe sa kapwa niya Diehard Duterte Supporters (DDS).

Kabilang din sa agaw-eksena sa ikatlong State of the Nation address ng Pangulo ang pagdating ng kaniyang pamilya dahil sa kanilang angking mga hitsura.

Marami ang bumilib at namangha sa mga hitsura at estilo ng pamilya ni Pangulong Duterte ng ibahagi ng kanyang anak na babae na si Davao Mayor Inday Sara Duterte ang ilang mga litrato ng kanilang pamilya na all-dressed up at handang handa na para sa malaking kaganapan.

Sa ibinihaging larawan ni Inday Sara ay kasama niya ang iba pang mga Duterte ladies at ang long-time girlfriend ni Baste Duterte na si Kate Necesario na nakasuot lahat ng gown na gawa umano ni Cary Santiago.

Noong 2017, ay agaw-eksena naman ang mga Senadora na nag-selfie, kung saan napansin ang bagong hair-do ni Sen. Nancy Binay, kasama sina Senadora Risa Hontiveros, Cynthia Villar, Grace Poe, at Loren Legarda na pawang nakapostura para sa SONA.

Kapansin-pansin ang mas maiksing ayos ng buhok ni Sen. Binay, na unang naging usap-usapan sa social media ang mga ka-suotan niya sa mga nakalipas na SONA, dahil noong 2014, nagsuot ang senadora na sinasabing likha ni Randy Ortiz na pambabaeng barong at bubble hem dress, at dahil dito ay nagpalit siya ng ng puting terno.

Nitong nakaraang taon, dumalo ng SONA ang senadora, suot ang isang itim na fashion-forward na Filipiniana.

Tanging si Sena-dor Leila de Lima lamang ang naitsa-puwera o hindi nakasama sa selfie dahil nakakulong siya sa Camp Crame nang akusahan na may kinalaman o nakikipagsabuwatan sa umano’y kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.

Sa kauna-unahang SONA naman ng Pangulong Duterte ay napansin din ang magkakatabi sa upuan ng mga dating Pangulo ng Pilipinas, na sina former Presidents Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo, habang ‘No-show’ naman si da-ting Pangulong Noynoy Aquino na una nang nagpahayag na hindi siya makararating.

First time namang nangyari na makalapit sa Batasang Pambansa ang mga raliyista at hindi nagprotesta, kung saan sa kauna-unahan ding pangyayari ay lumabas pa ang Pangulo at nagsalita sa entablado na itinayo ng mga militante. (D­olly C­abreza)