Abante Tonite Interactive

Agawan sa yaman

By
830

Dear Atty. Claire,

Good day po. Ask ko lang po may karapatan po ba ako sa property namin after divorce. Alam ko po kasi may malaking perang nakuha husband ko pero itinatago niya at may apartment po kami at sa kanya lang napupunta ang upa kasi nandito po ako sa abroad. Please, Atty., pakitulu­ngan niyo po ako, uuwi po ako sa February para kunin ‘yong share ko sa mister ko. Salamat po ng marami sa magiging payo niyo, may 3 po kaming anak.

Salamat po.

Normita

Ms. Normita,

Related Posts

Ano po bang divorce ang pinag-uusapan natin? Divorce na isinampa ng asawa mo sa ibang bansa o isinampa mo laban sa kanya? Ang divorce kasi ay hindi kinikilala dito sa ating bansa maliban lamang kung ang nag-file ng application for divorce ay isang foreign natio­nal o isa ng foreign national (dating Filipino). Kung ang nag-file ng divorce ay isang Pinoy ay hindi kikilalanin decision na iyan maliban lamang kung ang Pinoy ang nasampahan ng divorce ng isang foreign national.

Kapag hindi ganito ang sitwasyon ninyo at kapwa pa kayo Filipino ay mananatiling may bisa ang inyong kasal at may karapatan ka sa lahat ng ari-arian ninyo.

Kung valid naman ang divorce at kinilala na ng korte rito sa Pilipinas ay tingnan lamang kung ano ba ang nilalaman ng decision tungkol sa mga ari-a­ri­an. Kung walang nabanggit at hindi na­ging issue ito ay maaari kang magsampa dito sa Pilipinas ng partition ng property at magi­ging ebidensya mo ay ang desisyon tungkol sa divorce at ito ang magiging basehan ng korte upang paghiwalayin na ang ari-arian ninyo.

Dapat mo lamang alamin kung ano ano ba talaga ang ari-ariang naipundar ninyo kung may bisa pa ang kasal ninyo upang malaman mo kung ano at hanggang saan ang karapatan mo.

***

Kung may kata­nungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com