Abante Tonite Interactive

Agenda tungo sa kabutihan ng kabataan ang prayoridad

By
69

Taga-Malabon o hindi, opisyal man o hindi, nakadidismayang makita ang grupo ng kabataan na humihit­hit ng iligal na droga.

Nakababahala lalo ang mga report na sa paligid pa ng barangay hall ng Brgy. Tugatog, Malabon City isinagawa ang naturang pot session.

Sabi nga ni Ma­labon Rep. Ricky Sandoval,­ panahon na para matigil ang masamang gawaing ito ng lungsod.

Kaya naman sa kabila ng lantarang paggamit ng iligal na droga ng kabataang nasa viral na video, dagdag pa ang kapabayaan o pakikipagsabwatan ng ilang lokal na opisyal kaya talamak ang masamang bisyo na ito, ay nagsusumikap ang mambabatas na isulong ang mga ad­yendang makakabuti para sa ating mga anak.

Katulad na lamang ng pagpasa sa RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act para hindi na maging balakid ang tuition fee sa mga State Universities and Colleges para makakuha ng ­diploma ang ka­bataan.

Isinulong rin ni Cong. Ricky ang RA 11007 na magtatatag ng Malabon City Science and Ma­thematics High School para may sarili nang Pisay hindi lang ang Malabon kung hindi ang CAMANAVA.

Handa ang magi­ting na solon na makipagtulungan nang direkta sa Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) at National Youth Commission para sa capa­city-building ng mga batang opisyal upang ihanda silang maging tunay na fiscally independent para maisulong ang kanilang mga youth development program.

Kasabay nito ay nananawagan si Cong Ricky sa parehong ahensiya na agad suspendihin o alisin sa puwesto ang sinumang kasalukuyang naka­upo sa SK na kabilang sa viral na video.

Malinaw nga naman sa video na bigo silang gampanan ang kanilang mga tungkulin ayon sa SK Reform Act.

Kaakibat nito ay hinahamon din ni Cong. ang lahat ng opisyal ng Sangguniang Kabataan lalo na ang mga lokal na opisyal na tagapagpatupad ng batas sa Malabon City na maging katuwang ng pamahalaan para sugpuin ang iligal na droga alang-alang sa kabataan.

Take note nga namang nitong taon lang ay dalawang shabu laboratory ang na-raid ng pinagsamang pwersa ng PNP at PDEA sa Brgy. Tinajeros at Brgy. Santolan.

Ang mga rebelasyong ito ay malinaw na pruweba na may ilang nagkukulang sa kanilang trabaho at hindi tumutupad sa kanilang sinumpaang tungkulin na ituwid ang mga maling ­gawain.
Well, kailangan pa bang i-memorize kung sino-sino ang mga ‘yan, Cong!