Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Agent ni Sotto sablay diskarte

0 141

MARAMING oportunidad ang nawala sa pagnanais ng 18-anyos at 7-foot-3 na si Kai Zachary Sotto na maging unang homegrown na Pilipino na sasabak sa National Basketball Association (NBA).

Dahil ito sa maling pagdedesisyon ng mga handler ni Sotto na East West Private.

Ito ang nanghihinayang na ipinahayag ni Homer Sayson, ang US based na Spin.ph columnist sa pagdalo nito sa lingguhang programa na Power and Play ni Noli Eala Sabado.

“He (Kai) was there at the doorstep,” sabi ng Chicago-based na si Sayson patungkol kay Sotto habang inihayag ang unang naging malaking interes sa anak ng dating PBA player na si Irvin Sotto.

“Mark Cuban, the owner of Dallas Mavericks even ask about him (Kai), asking me one time about this young 7-foot-2 player from the Philippines. Also, Vlade Divac, who was then general manager of Sacramento Kings inquire and ask me some details about him. Now, after what happened, all glitter about Kai was exposed.”

Una nang lumutang ang kahinaan ni Sotto sa isinagawa na mga obserbasyon sa bawat miyembro ng Team Ignite at maging sa mock draft na ginanap ng ESPN kung saan lumapag ang dating Ateneo Blue Eaglets sa ika-99 sa mga posibleng mapili.

Nasa ika-14 na puwesto din ito sa kanyang posisyon bilang sentro at ika-39 silya sa posibleng mapili.

“Now, everything has been exposed and the interest on him (Kai) suddenly went gone into thin air,” sabi ni Sayson.

Una nang ipinaalam ni Sayson na tumatanggap si Sotto ng US$17,500 kada dalawang linggo habang nasa Ignite at nakatakda nitong makuha ang kabuuang US$250,000 kung makukumpleto nito ang nakasaad sa kontrata.

“Remember, he was offered by Real Madrid team 1 million, before he was a total mystery. Now, that is gone,” sabi pa ni Sayson.

“Now, the NBA G League doesn’t want to deal with EWP,” pagtatapos nito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.