Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Agila nasapul ng pellet gun, ooperahan

0 97

Sasailalim sa operasyon ang isang lalaking agila nang matamaan ito ng marble at pellet sa Sarangani noong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources – Community Environment and Natural Resources sa Kiamba, ang Philippine Eagle Foundation (PEF) ang nakakita sa marble at bala ng pellet gun sa ilalim ng balat nito.

Isang residente ang nagligtas sa agila noong January 8 matapos ma-trap sa matinik na rattan vines sa Sitio Wata sa Barangay Ticulab at agad itong ipinaalam sa kanilang chieftain na si Fredimen Wanan saka itinurn-over sa PEF. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.