Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Agimat sa Chicks’ ayaw nang manahin ni Bong

0 473

NI: VINIA VIVAR

Para kay Sen. Bong Revilla, pinakamalaking legacy at pamana na iniwan sa kanya ng yumaong ama na si Don Ramon Revilla, Sr. ay ang agimat nito.

As we all know ay nakilala si yumaong Don Ramon bilang Hari ng Agimat dahil na rin sa mga ginampanan niyang papel sa kanyang mga pelikula kung saan, ang lead character ay nagtataglay ng agimat. Since then ay talagang pinaniwalaan na ng marami na talagang may agimat siya sa totoong buhay.

Pero sa marami, ang “agimat” na taglay ni Don Ramon ay hindi literal kungdi more on pagiging maswerte dahil na rin sa tagumpay na tinamo nito sa buhay.

At wala naman talagang ibang nagmana sa “agimat” na ito kungdi si Sen. Bong Revilla na talagang sinundan ang yapak ng ama mula sa pagiging artista hanggang sa pagiging Senador.

Sa usapan nilang mag-ama sa ICU after alisan ng ventilator si Don Ramon ay nagsabi umano ito ng “Bigay ko na sa iyo ang agimat ko.”

Ang pakli raw ni Sen. Bong, “Hindi po. Iyo po ‘yon.”

Samantala, ayon kay Sen. Bong, sa paglisan ng ama ay marami raw legacy itong iniwang pero ang pinakamalaking pinamana raw sa kanya ay ang agimat nito.

“Marami siyang pamanang iniwan sa larangan ng sining at sa larangan ng paglilingkod-bayan. Pero ang pinakamalaking iniwan niyang pamana, iniwan niya sa akin bilang anak niya, ipinamana niya sa akin ang kanyang agimat,” pahayag ni Sen. Bong sa kanyang eulogy bago ilibing ang ama.

Pagbibiro pa ni Sen. Bong, sinabihan nga raw niya ang ama na baka “agimat” sa chicks ‘yun ay hindi na raw niya kailangan pa’t ibigay na lang daw sa kapatid niyang si Stryke Revilla.

Samantala, sa Facebook live ni Sen. Bong last Saturday ay nagpunta silang lahat ng pamilya sa puntod ng ama. Ika-9 na araw ng kamatayan ni Don Ramon kaya nagkaroon sila ng pamisa.

Ipinasilip din ni Sen. Bong ang mauseleo ng pamilya kung saan makikita nang magkasa sa nitso ang magulang niya.

Pagbibiro ni Bong, ang nanay daw niya (Dona Azucena Mortel-Bautista) ang talagang nagwagi dahil ngayon ay kasama na nito ng walang hanggang ang asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.