Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Agnas na estudyante bumulaga sa highway

0 59

Mayroon nang person of interest sa pagkamatay ng isang 20 anyos na estudyante na natagpuang patay sa isang bakanteng lote dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay P/Maj. Ria Tacderan, spokesperson ng Pangasinan Police Office, nasa kustodiya ng Dagupan City Police Station ang isang lalaki na umanoy kasama mismo ng biktima at umamin na siya ang reponsable sa pagkamatay ng biktima.

Gayunman, nilinaw ni Tacderan na ang pag amin niya ay hindi pa nila maikokonsidera na siya na nga may sala dahil wala siyang extrajudicial confession at wala rin siyang abogado.

Matatandaan ilang araw nang nawawala ang 20-anyos na si Aaron Fernandez mula sa Barangay Poblacion Oeste, Dagupan City. Pero nitong isang araw lamang ay natagpuang patay si Aaron sa isang damuhan malapit sa De Venecia Highway dito sa lungsod.

Walang saplot sa katawan ang biktima at halos hindi na rin umano makilala dahil nasa state of decomposition na ito at posibleng ilang araw ng patay. May sugat sa ulo ang biktima kaya posibleng pinokpok ito ng matigas na bagay. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.