Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Agnas na lola bumulaga sa bangin

0 67

Pinaniniwalaang aksidenteng nahulog sa malalim na bangin ang isang matandang babaeng may diperensya sa pag-iisip at pagala-gala makaraang matagpuan itong naaagnas na sa malalim na bangin sa Barangay Minuyan, Norzagaray, Bulacan nitong lunes ng hapon.

Sa report ng pulisya, nakilala ang biktimang si Frimativa Cruz, 78, taga-Sitio Obrerro, Barangay Minuyan, Norzagaray.

Sa imbestigasyon, alas-12:30 ng tanghali nitong lunes, Mayo 16 nang i-report sa pulisya na may

natagpuang umaamoy at naaagnas nang matandang biktima sa mabatong bangin na may 20-30 talampakan ang lalim sa may Republic Cement Building Materials Inc sakop ng Barangay Minuyan, Norzagaray.

Mabilis na rumesponde ang awtoridad at dito ay nakilala ang biktima na pinaniniwalaang aksidenteng nahulog sa bangin.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na aksidente ang ikinamatay ng kanilang kaanak. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.