Abante Tonite Interactive

Agno, Pangasinan umuga sa 4.2 magnitude

220

Inuga kahapon ng umaga ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Agno sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Philippine Institutes of Volcanology and Seismology-Region 1 (PHILVOLCS-R1).

Ayon sa PHILVOLCS-­R1,­ naitala ang pag­yanig sa layong 94 kilometer southwest ng Agno alas-8:23 kahapon ng umaga.

Sinabi ng ahensiya, may 21 kilometer ang lalim ng ikalawang pag­yanig at tectonic din ang origin ng nasabing lindol.

Ayon sa PHILVOCS-R1, wala namang naitalang intensity ang dalawang pagyanig at wala ring inaasahang­ mga aftershock. ­(Allan Bergonia)