Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Agora Market sa San Juan bukas na

0 212

Muling binuksan ang Agora Market sa San Juan City nitong Huwebes matapos ang 15 araw na disinfection dahil sa isang fish vendor na nagpositibo sa COVID-19 infection kamakailan.

Kaugnay nito, inanunsyo ni Mayor Francis Zamora na magpapatupad na sila ng mahigpit na mga patakaran katulad ng pagkakaroon ng health clearance at pagsunod sa mga health protocol para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infection sa palengke.

“Sa muling pagbubukas ng Agora Market ngayong araw, ang mga vendor, staff at empleyado lamang na may health clearance (blue ID) ang pwede magtinda at magtrabaho,” sabi ni Zamora.

“Dapat din ay lahat ng vendors at mamimili ay naka-mask at sumusunod sa physical distancing,” dagdag pa ng alkalde. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.