Abante Tonite Interactive

Agot atras sa giyera nina Kris, Mocha

By
2,755

Isa ang magaling at award-winning actress na si Agot Isidro sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Katunayan, sa kanyang social media account, matapang siya sa pagtuligsa sa umano’y kapalpakan ng Duterte administration.

Madalas din siyang ma-bash ng mga Duterte supporter dahil dito.

Pero ayon kay Agot, wala siyang keber dahil ginagawa lamang niya ang para sa kanya ay tama bilang isang mamamayan ng bansang ito.

Hindi raw siya takot na ma-bash o kuyugin ng mga Dutertard.

“Ako naman, ganoon talaga ako pero keri ko lang siya. Hindi ako masyadong affected,” bungad niya.

Ipinaliwanag din niya kung bakit mananatili siyang kritiko ng gobyerno.

“Because I believe in my principles. I stand by my principles. Hindi ako… no one is paying me to do this. This is all me. Prinsipyo ko iyon. That’s my paninindigan,” paliwanag niya.

Nilinaw din niya na hindi siya isang dilawan kahit kini-criticize niya si Digong.

“Lahat naman ng tumututol, kumbaga, dilawan which is wrong. Kasi noong panahon ng previous administration, I also… very vocal rin naman ako kung merong mali. Hindi ako kumbaga, nagte-take sides. I take sides with my principles,” aniya.

Dagdag pa niya, ang pagbatikos daw niya ay pag-exercise lamang ng kanyang karapatan sa mala­yang pamamahayag.

“Actually, we all should. We all have the right to express out. Because we pay our taxes, we live in this country. Kung anuman iyong mga hinaing o kung anuman iyong mga gusto natin, we all we all have the right to exercise that and to voice out even the good ones. Kumbaga, amplify the good at pansinin natin iyong mga mali,” esplika niya.

Tungkol naman sa naging bangayan nina Kris Aquino at Mocha Uson sa social media, ayaw nang makialam ni Agot.

“Kumbaga, laban nila iyon. Away nila iyon at ayaw ko nang magkomento,” pagwawakas niya.

Si Agot ang tinanghal na Best Actress sa ika-66 na edisyon ng Famas awards para sa pelikulang ‘Changing Partners’ na idinirehe ni Dan Villegas.