Abante Tonite Interactive

Agot, Bayani o Basura

By
Agot Isidro
10

ILANG showbiz kaganapan sa 2016 ay nagmula sa social media. Ang mga nagmamagaling na networks kasi, pinatay ang entertainment talk show format.

Nag-mushroom ang notoriety at popularity ng social media sites.

Fiesta extravaganza ang anonymous bashers at haters, expressing their sampu-samperang worth of opinions, hanashes at kudas na parang they know better than the people who are involved in a certain issue.

O kaya nag-uumasta silang close at may “wisdom” ang kanilang pagmamataray at pagtalak sa mga artistang kontro­bersyal.

Ang pinakapaborito kong social media rant ay ‘yung kay Agot Isidro.

Patungkol ito sa politically incorrect pronouncements ni President Digong Duterte.

And let me remind you of its content, “Kung makapagsalita ka parang superpower ang Pilipinas eh. At excuse me, ayaw namin magutom.

“Mag-isa ka na lang. ‘Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo.

“Pangatlo, may kilala akong psychiatrist. Pa­tingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath.”

Para sa diva that you love, ang linyang “may kilala akong psychiatrist. Patingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath,” ang pwedeng-pwedeng kumabog sa iconic lines ni Ms. Lavinia Arguelles.

Biglang naging heroine ang tingin ko kay Isi­dro for being “brave” and “courageous.”

As expected, all time low at pam-pusali ang thinking of the Dutertards when they did not see “wisdom” in Agot’s words at they started shaming her na parang pagkarumi-rumi niyang babae.