Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Agot kinuyog ng mga fan nina Evans, Hyun Bin

0 375

NI: ARCHIE LIAO

Kinuyog ng mga faney nina Chris Evans at Hyun Bin ang singer-actress na si Agot Isidro. Sumawsaw rin ang ilang DDS.

Ito ay pagkatapos na magkomento sa isang news item kung saan ang Hollywood actor na si Chris Evans ang napiling bagong endorser ng isang telecom company.

Sa news item ng ABS-CBN, may caption itong “First it was Captain Ri. Now it is Captain America.”

Sa kanyang reaction ito ang sinabi ni Agot: “Hindi ko na maintindihan, Smart. Nakakarami ba talaga ng subscribers ang mga endorser na iyan?”

Hirit ng mga faney, frustrated actress daw si Agot at inggit lang daw ito dahil walang kumukuha sa kanya para maging product endorser.

Inungkat pa ang pagiging one-hit wonder lang niya sa pagiging recording artist.

May mga kumampi naman kay Agot dahil masyado raw nag-e-encourage ng colonial mentality ang nasabing telco brand.

Dapat daw ay local celebrities ang kuning endorser ng nabanggit na produkto lalo pa’t hindi naman gumagamit ng naturang brand sina Chris at Hyun Bin.

Sa panahon ng pandemya, dapat daw ay tinatangkilik din daw ang sariling atin.

Si Hyun Bin ay nakilala sa top rating Netflix series na Crash Landing on You samantalang si Chris Evan ay popular sa kanyang role sa Marvel Universe bilang Captain America. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.