Abante Tonite Interactive

Agot mas may K maging senador kesa kay Mocha

#IMO (in my opinion)

By
3,523

Sa panayam kahapon ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa ANC Headstart ni Karen Davila, inamin niyang kinukumbinsi nila sa Liberal Party si Agot Isidro para tumakbong Senador sa 2019 elections.

“Kasi we also need strong women,” pahayag ni Sen. Kiko.

As we all know, si Agot ay kilalang no. 1 critic ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinanong ni Karen kung hanggang saan na ang pag-uusap with Agot at ayon sa Senador, nakapag-meeting na raw sila ng ilang beses.

“We’ve discussed this, we’ve had several meetings­, not on the campaign and not on her being a candidate but on issues affecting the nation today, on extra judicial killings, on China, so she’s been very active.

“So, in one of these meetings, and not on a political campaign meeting­, we asked her the question if she’s open,” lahad ni Sen. Kiko.

Ano ang sagot ni Agot?

“Of course, she was hesitant. But then, you know, we said precisely that you know, we need more wo­men to step up and so she said, “okay, you can consider it but let me think about it also.” So we’re still convincing her,” Sen. Kiko said.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizen sa balitang ito. May pabor at may kontra. May nagsabing matatalo lang daw si Agot, may nagsabi namang kailangan sa Senado ang katulad niya, may nakakatawa namang komento na mas qualified naman siya kaysa kay Mocha Uson at may nagtatanong naman kung ano raw ba ang alam ng aktres sa politika lalo pa nga sa Senado.

Sa showbiz naman, ngayon pa lang ay may mga nagpapakita na suporta kay Agot sakaling magdesisyon na nga itong tumakbo sa Senado.

Paul aminadong nagselos kay JM

“Okay naman kami,” ang sagot ni Paul Salas nang tanungin namin kung kumusta na sila ni Barbie Imperial ngayon especially nga na magkakahiwalay na sila ng network ngayong nasa GMA-7 na siya.

Pero siyempre, mas focused daw sila sa work ngayon bilang siya, kalili­pat lang niya at si Barbie naman ay dumating na finally ang big break na hinihintay nang gawin itong leading lady ni JM de Guzman sa Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi na kasalukuyang umeere.

Supportive naman daw si Barbie sa paglipat niya sa GMA-7 at nagustuhan din naman daw nito ang desis­yon niya.

When asked kung may selos factor ba siya kay JM at aminado naman ang aktor na meron.

“Kasi, siyempre, ‘di ba, halos sila na ang magkasama lagi, ganu’n. Pero hindi, kasi kuya ko ‘yang si Kuya JM, eh. Mula sa Mula sa Puso dati, isa sa first tele­serye ko, so close ko naman ‘yan.

“Siyempre, nandiyan pa rin ang selos kasi, talagang may chemistry sila, eh. So, proud ako na marami ring taong nahu-hook sa kanila and sana magtuloy-tuloy,” pahayag ng bagong talent ng PPL Entertainment, Inc.

Ano naman ang reaksyon niya sa love scenes nina Barbie and JM sa serye?

“‘Yun, di ko masyadong pinapanood,” natatawa niyang sabi.

Pero nilinaw niyang suportado naman niya ang loveteam nina Barbie at JM.

Matt walang ilusyong maging bida ulit

Alam ni Matt Evans na tapos na ang panahon na nagbibida siya kaya nang lumipat siya sa GMA-7 last year ay siya na mismo ang nagsabi sa management na gusto niya ng character actor roles.

“Nu’ng pagpasok ko po dito, tinanong po talaga ako kung ano ang gusto ko raw mangyari sa career ko, ‘yung ganu’n. Inamin ko na po ‘yung gusto ko talaga.

“Sabi ko, “doon na lang po ako sa character roles.” Hindi ko na po hinangad magbida siyempre, una sa lahat, mas marami po talagang mga bata ngayon na aminado ako na mas magagaling pa sa amin.

“Kung baga, ako po, doon na lang ako sa mga character roles. Tatay na naman ako, so tatay roles na lang, di ba?” pahayag ni Matt nang makapanayam namin recently.

Sa paglipat ni Matt ay binigyan agad siya ng Sherlock, Jr. teleserye na katatapos lang at may bago na namang ibinigay sa kanya na hindi pa pwedeng sabihin.

Kaya happy naman ang aktor so far sa Kapuso network dahil dalawa agad magkasunod na proyekto ang ibinigay sa kanya. At least daw ay hindi naman siya nababakante pa.