Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Agot nag-panic sa kanta

0 216

Isiniwalat ni Agot Isidro na isang dekadang nagdulot ng panic attacks sa kanya ang kantang “Bubbly” . Inawit ito ng American singer na si Colbie Caillat.

Nagiging mitsa raw ito upang manumbalik sa kanya ang mga alaala ng napakadilim na yugto ng kanyang buhay.

“For a decade, this song gave me panic attacks. It triggered memories of a very dark time in my life,” saad ni Agot sa Instagram post.

May isang pangyayari raw na nagtatatakbo siya. Umiiyak daw na lumabas sa isang shoe store sa isang mall sa California nang marinig ang kanta.

“Every time I hear the intro, I would skip or change station or simply walk out of the establishment,” kuwento pa niya.

Ngayon daw ay okay na siya kapag naririnig ito.

“Today, on a long drive, this came out of the mix. Didn’t hear this for so long. So I said, “Sige nga.” Nothing. Was even singing along. So yes, BREAKTHROUGH! So proud of myself, and where I am. Long journey, but we get there.

“So point of the story, no matter where you are in life, you will be ok. We will be ok.” (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.