Abante Tonite Interactive

Agot, pinalakpakan sa KUPAL

By
12

WALEY: Biglang nagkaroon ng bodyguard ang kontrobersyal na si Agot Isidro.

Naganap ito sa last weekend ng kanyang musical sa PETA na Chan­ging Partners.

Malinaw na hindi niya raw ito hiningi at hinangad. In-assign lang ang security detail sa kanya ng PETA.

Maliban kay Agot, tampok sa short and sweet and very affecting and explosive drama sina Jojit Lorenzo, Anna Luna at Sandino Martin.

Pagkatapos ng performance, may mga lumapit kay Agot na nagpapahayag ng suporta rito.

May isang pulis na nasabing kasama daw sila sa laban ni Agot. “Pero hindi naman po ako nakikipaglaban, ipinahayag ko lang ang nasa loob ko.”

Agot has nixed interviews by local news stations pati sa cable at CNN at BBC.

Ang prinsipyo niya, nasabi na niya at pina­ngatawann niya ang kanyang pinagsasabi, wala na siyang dapat i-explain sa publiko.

Merong nagsabi na palaban siya dahil bayaran siya…

“Excuse me, hindi ko kailanman ninais pagkakitaan ‘yun o maging career move,” sabi ni Agot na ibinaling na lang sa pag-arte sa dula na may memorable line na, “Huwag na huwag mong isusumbat ang pagkalalaki ng kupal na ‘yan. I have much bigger balls than him…”

Kung ano ang konteksto ng well-applauded line na ‘yan ni Agot sa musical na Changing Partners, abangan ang pinaplanong repeat nito come Valentine’s Day next year!