Abante Tonite Interactive

Agot sagot sa forever ni Hilbay

By
0 318

Usap-usapan ngayon ang estado ng relas­yon ng aktres na si Agot Isidro at ng Otso Diretso senatoriable na si Florin Hilbay.

Umamin daw diumano ang dalawa sa kanilang relasyon sa ginanap na campaign sortie sa Hong Kong.

Si Agot Isidro kasi ang naging host ng sortie bilang pag-abot ng suporta sa Otso Diretso. Kilala si Agot sa kanyang matindi at vocal na pagsalungat kay Pangulong Duterte. Kaya naman nagkasundo sila ni Atty Hilbay.

Ayon kay Agot, nagkakilala umano sila ni Hilbay sa isang pagtitipon at labis siyang namangha sa talino nito.
Ang hiling naman ni Atty. Hilbay nu’ng Valen­tine’s Day na maka-date ang aktres ay kaagad ding napagbigyan. May pa-bouquet of flowers pa si Hilbay para sa kanyang dream girl.

Aniya sa Tweet, “Bago ko makalimutan, maraming salamat kay @agot_isidro sa pagpunta! Salamat dahil pinili mo kaming makasama ngayong balentayms. Kinilig ang mga tao!!! Siyempre pinaka-kinilig ako.”

Naging madalas na rin ang kanilang sweet exchanges sa Twitter. Si Hilbay ay never pa ikinasal at sa tuwing naiisip daw umano niya ang aktres ay naiisip niya na mayroong “forever”.