Abante Tonite Interactive

Agot umaray sa Abante kolumnista

624

Pinaramdam ng aktres na si Agot Isidro ang pagkadismaya sa nabasang artikulo sa kapatid ng pahayagang ito na Abante kaugnay sa kanyang recent tweets na may kinalaman sa nakaraang eleksyon.

Ang naturang article ay sinulat ng Abante/Tonite showbiz reporter at columnist na si Rey Pumaloy, at may titulo na “Agot ‘di tanggap ang pagkatalo ni Hilbay.”

Ni-retweet ni Agot ang nasabing article sabay sabi:

“Grabe. Tanggap na tanggap naman. Check yung tweet. Kalmado. Haaay.”

At least, nanggaling na nga mismo kay Agot na tanggap niya…pero ang alin?

Sa panig naman ni Rey, “Abangan na lang natin sa kanyang mga susunod na posts kung tanggap niya ang mga naihalal na Magic 12 sa Senado, o ang tanggap lang niya ay ang pagkatalo ni Hilbay.”

Ilan lang ito sa katakot-takot na namumuong intriga lalo na sa social media bu­nga na rin ng resulta sa nakaraang midterm elections. (Jun Lopez)