Abante Tonite Interactive

Agresibong Pacquiao kakalos kay Matthysse

By
2,421

Wala na ang dating Manny Pacquiao na ‘mapagbigay’ sa kalaban. Pagtunog ng ring, bugbugan na agad.

Ganito ang senar­yong makikita sa pakikipagtuos ni eight-division champion ‘The Pacman’ Pacquiao laban sa WBA 147-pound king na si Lucas Matthysse ng ­Argentina sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa mga nagdaang laban ni Pacquiao, 39, pinagbibigyan niya ang kalaban na suntukin siya sa corner ng ring para masukat ang lakas ng kanilang mga ­suntok.

Hindi na ngayon.

Sa report ng ABS-CBN sa pinakasariwang update sa training ni Pacquiao sa General Santos City, hindi na umano hinahayaan ni Pacquiao na tamaan siya ng mga suntok ng kanyang chief sparring partner na si undefeated Australian George Kambosos, Jr.

Sa 10 round ng kanilang sparring session nitong Martes, maliksi at panay ang galaw ni Pacquiao sa ring.
Senyales na mas agresibo ito at mas magiging ‘busy’ sa tangkang pag-agaw ng korona ni Matthysse sa susunod na buwan.