Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Agri chief binoldyak: Imported chicken bumabaha

0 178

Nagbabala ang United Broiler Association of the Philippines sa mga local producer ng manok na maging maingat at mapanuri sa gagawing pagplaplano ng kanilang mga produksyon ngayon hanggang first quarter ng 2021 at huwag asahan ang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na `last resort’ lamang ang importasyon.

Sabi ng UBRA, 30 hanggang 40% ang ibinaba ng lokal na produksyon ng umpisa ng Oktubre dahil sa matumal na bentahan, lalo na’t maraming hotel at restaurant na ang nagsara. Ang mga hotel at restaurant ang bumubuo ng 30% ng merkado ng manok bago ang COVID-19 pandemya.

Subalit sa kabila ng matumal ng bentahan, lumalaki umano ang imbentaryo ng frozen chicken sa bansa at dumami rin ang inangkat na manok.

Ayon sa UBRA, ang imbentaryo ng frozen chicken ay nasa 85,470.6 tonelada noong Oktubre 5, mas malaki ng 21% kaysa sa 70,436.9 tonelada noong Setyembre 7 base sa datos ng National Meat Inspection Service (NMIS). Samantala, mas malaki na ang inangkat na manok noong Setyembre sa 31,784.8 tonelada kumpara sa inanggkat na 29,744.8 tonelada buong taon ng 2019.

“Producers should not be lulled into complacency by the pronouncement of Department of Agriculture secretary William Dar that as a matter of policy importation is a last resort. The reality is that imports have increased,” sabi ng UBRA. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.