Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguilar asar sa kakampi!

0 76

Normal ang asaran sa game, at kahit ang kalmado sa court na si Philippine Basketball Association star Japeth Paul Aguilar ay aminadong uminit na rin ang ulo kahit sa mismong kakampi niya.

Sa lie detector test game sa Youtube channel na Rec-Create, naitanong ni Barangay Ginebra San Miguel center Prince Caperal kay Aguilar kung nainis na sa kanya ang teammate sa mga practice.

Tugon ni Japeth, “Kay Prince, sabihin ko no. Pero sa ibang teammates, yes. Dumating ‘yan [inis] minsan.”

“Hindi naman ibig sabihin non masama, nagtutulungan lang talaga kami [sa praktis],” paliwanag niya.

Pero sa resulta ay nag-lie ang sagot ni Aguilar na hindi pa siya naiinis kay Caperal, na giniit ng Gilas Pilipinas member na totoong hindi pa siya naaasar sa naturang kakampi. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.