Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguilar, Ginebra bubuhos ngitngit

0 64

Mga laro ngayon (DHVSU-Bacolor)
12:30 pm – Magnolia vs. NLEX
3 pm – TNT vs. SMB
6 pm – Rain or Shine vs. Ginebra

Na-postpone ang laro ng Barangay Ginebra San Miguel at Meralco noong Linggo alinsunod sa health and safety protocols ng PBA.

Nagkaroon ng mas mahaba-habang preparasyon ang 2-3 Gin Kings, babalik sa Don Honorio Ventura Statu University sa Bacolor para harapin ang 4-3 Rain or Shine sa tampok na laro ng triple-header ngayong Miyerkoles.

Masaklap ang huling talo ng defending champions, 95-90 sa Terrafirma noong Sept. 3.

Napuwersa sa 19 turnovers ang Gins na naging 26 points ng Dyip. Lima sa miscues ng crowd favorites ay nakalista kay Stanley Pringle, tigatlo kina Japeth Aguilar at Christian Standhardinger.

Nangalawang din ang long-range shooting ng Ginebra, maliban sa 4 for 8 ni LA Tenorio ay 5 for 17 na ang buong team – tatlo rito galing kay Prince Caperal.

Galing sa masaklap na 78-77 loss ang Rain or Shine sa Phoenix noong Sept. 2.

Sa likod ng 11 points ni Javee Mocon sa third ay dumistansiya ang Elasto Painters hanggang 52-35 pero napakawalan, naagawan pa ng panalo nang mahulog sa net ang nag-iisang field goal ni Matthew Wright sa final 2 seconds. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.