Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguilar, Ginebra hulagpos vs NLEX

0 89

STANDING
TEAM W L
San Miguel 3 0
Brgy. Ginebra 3 1
Meralco 2 1
NorthPort 2 1
Blackwater 2 1
TNT 3 2
NLEX 2 2
Phoenix 2 2
Magnolia 2 3
Converge 2 3
Rain or Shine 1 3
Terrafirma 0 4

Mga laro ngayong Huwebes (Ynares Center Antipolo)
5:15 pm – NorthPort vs Meralco
7:15 pm – Rain or Shine vs TNT

Umahon mula 19-point deficit ang Barangay Ginebra San Miguel sa pag-angas ni Japeth Aguilar para agawan ng panalo ang NLEX 83-75 sa SM Mall of Asia Arena Miyerkoles ng gabi.

Balik sa win-column ng 47th Philippine Basketball Association 2022 Philippine Cup ang Gin Kings, sa 3-1 ay solo-second na sa likod ng unbeaten sa three games na San Miguel Beer.

Dumistansiya ng hanggang 58-39 ang Road Warriors sa third quarter pero hinabol ng Gins hanggang itabla sa 67-all sa fourth at kumpletuhin ang comeback win.

Nagsumite ng 20 points, 7 rebounds si Aguilar, sinegundahan ng 17 ni Arvin Tolentino. Napunan ang pagkawala ni Stanley Pringle (hamstring) sa ayudang 15 points, 8 rebounds ni Scottie Thompson at 10 markers, 8 assists ni LA Tenorio.

Napigil sa 2-2 ang Road Warriors. May 16 points si Kevin Alas pero dalawa lang ang kinaya sa fourth. May 15 markers si Calvin Oftana.

Katiting na 12 points lang ang sinalpak ng NLEX sa final 12 minutes samantalang humarabas ng 26 ang Ginebra.

Sa first game, ikinalat nina Mike Digregorio at Maverick Ahanmisi ang 12 at 14 points nila sa fourth quarter at tinalo ng Converge (2-3) ang Terrafirma (0-4), 97-84.

Mga iskor:

Unang laro

Converge 97 – DiGregorio 19, Ahanmisi 17, Murrell 15, Arana 10, Browne 10, Hill 9, AMbohot 8, Adamos 4, Ilagan 3, Stockton 1, Bulanadi 1, Lojera 0, Tolomia 0.

Terrafirma 84 – Gabayni 18, Ramos 15, Tiongson 13, Camson 13, Munzon 10, Balagasay 6, Calvo 4, Mina 3, Gomez de Liano 2, Cahilig 0.

Quarters: 17-21, 43-42, 63-62, 97-84

Pangalawang laro

Ginebra 83 – J.Aguilar 20, Tolentino 17, Thompson 15, Standhardinger 10, Tenorio 10, Pinto 5, Caperal 2, Chan 2, Mariano 2, David 0.

NLEX 75 – Alas 16, Oftana 15, Trollano 12, Chua 8, Rosales 8, Paniamogan 5, Soyud 4, Fonacier 3, Magat 2, Quinahan 2, Ighalo 0, Semerad 0, Miranda 0.

Quarters: 17-28, 32-45, 58-63, 83-75. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.