Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguilar, Ginebra lusot sa Game 1

0 196

Game 2 sa Miyerkoles (AUF gym)

6:00 pm – Ginebra vs. TNT

(Gins lead series 1-0)

Smart Clark Giga City – Kulang ang 48 minutes sa regulation, nangailangan pa ng extra 5 minutes ang Ginebra para kumpletuhin ang 100-94 panalo kontra TNT sa opener ng PBA Philippine Cup Finals Linggo ng gabi.

Dalawang puntos lang ang binigay ng Gin Kings sa Tropang Giga sa overtime ng larong tinampukan ng 21 lead changes at 15 deadlocks.

Game 2 bukas sa Smart 5G-powered AUF gym pa rin.

Nag-deliver si Japeth Aguilar ng 25 points at 16 rebounds, may 24 pts., 7 rebs. at 7 assists si Stanley Pringle para sa Gins. Nag-ambag pa ng 15-9-5 si Scottie Thompson, at may 14 points si rookie Arvin Tolentino pinakamahalaga ang panablang layup mula sa assist ni LA Tenorio na nagpuwersa ng OT.

Si Tenorio ang nagmaniobra sa atake ng Gins sa pinakawalang 10 assists na pinalamutian ng 12 points.

“In LA we trust,” ani coach Tim Cone.

Wala ang nakagawian sa Finals na pausok at pasabog kasabay sa player introduction bago ang laro, isa-isa lang tinawag ang mga manlalaro at coaching staff na pumagitna sa court.

Back-to-back 3s ni Jay Washington na dinagdagan ni Jayson Castro ng isa pagkatapos ng drive ni Stanley Pringle at binawi ng TNT ang manibela 91-90.

Mula sa tuktok, inatake ni Tenorio ang lane bago sinubuan ng layup si Arvin Tolentino para ibuhol sa 92-92, may 5 seconds na natira sa TNT pero napalakas ang driving layup ni Castro.

Namuno sa TNT ang 20 points ni Ray-Ray Parks bago na-fouled out sa OT. Nagdagdag ng 19 si RR Pogoy.

Ang iskor

Barangay Ginebra San Miguel 100 – Aguilar 25, Pringle 24, Thompson 15, Tolentino 14, Tenorio 12, Mariano 6, Chan 2, Devance 2, Dillinger 0, Caperal 0.

TNT 94 – Parks 20, Pogoy 19, Washington 14, Castro 12, Erram 10, Enciso 9, Rosario 8, Semerad 2, carey 0, Montalbo 0, Reyes 0.
Quarters: 22-27, 41-41, 66-71, 92-92, 100-94. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.