Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguilar, Ginebra puntirya 2-0 lead

0 147

Finals Game 2 ngayon (AUF gym)
6 pm – Ginebra vs. TNT
(Gin Kings lead series 1-0)

Smart Clark Giga City – Sa dami ng pinagdaanang giyera sa PBA, dinaga pa rin si Tim Cone sa Game 1 ng Philippine Cup Finals sa Pampanga bubble noong Linggo.

Kumalma lang ang winningest coach ng liga nang makumpleto ng Ginebra ang 100-94 overtime win kontra TNT.

SM food to go Banner Ad

“If we’re going to have six, four of these games, I don’t think my heart is going to take it,” bulalas ni Cone. “That was an incredible back-and-forth (game).”

Lahat sa team ni Cone, nag-deliver sa larong walang lumamang ng double digits at tinampukan ng 21 lead changes at 15 deadlocks.

“Japeth (Aguilar) was rolling hard, getting to the rim, making it easy passing for LA (Tenorio). It was really a great team effort. Scottie (Thompson) on the defensive rebounds and Arvin (Tolentino) played really well, had that big basket to tie the game with a beautiful cut to the rim,” dagdag ng coach.

Zero turnovers si Tenorio sa loob ng 43 minutes, may 12 points at 10 assists kabilang ang subo kay Tolentino para sa lay-in tungo sa 92-92 count na tumapos sa regulation. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.