Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguilar, Ginebra pinara Terrafirma

0 81

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
5:15 pm – Converge vs NLE
7:15 pm – TNT vs SMB

Kumalas sa second half ang Ginebra para iwan ang Terrafirma tungo sa kumbinsidong 106-82 win sa second game ng Pilippine Basketball Association Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.

Naglista ng tig-9 points sina LA Tenorio at Christian Standhardinger sa 34-point third quarter ng Gins para burahin ang eight-point deficit sa kaagahan ng period tungo sa 82-72 lead at hindi na bumitaw.

Sa 6-1 card, inakbayan ng crowd favorites ang San Miguel Beer sa tuktok ng standings.

“Our character shoed in the second half,” ani assistant coach Richard del Rosario, kinubra ang pangalawang sunod na panalo habang nasa NBA Summer League si coach Tim Cone. “First half, we played out of character.”

SM food to go Banner Ad

Nagpakalat si Japeth Aguilar ng 22 points. Tumapos ng 18 pts., 10 rebounds at 7 assists si Standhardinger, naka-7 markers lang si Scottie Thompson pero may 12 boards at 6 dimes.

Kapos ng isa sa kanyang career-high ang 7 blocks ni Aguilar, nakapito rin sa Game 3 ng 2019 Governors Cup Finals kontra Meralco.

May 20 pts. si Juami Tiongson sa first half para sa 52-50 Terrafirma lead sa break, pero apat na puntos na lang ang kinaya ng guard.

Sa first game, balik sa win-column ang Meralco (4-3) na tinakasan ang Rain or Shine (1-7) 77-73 sa likod ng 20 pts. ni Aaron Black at 19 ni Allein Maliksi. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.