Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguilar, misis sabay nagbabad

0 62

Dagat muna at si misis ang mga kalaro ni Philippine Basketball Association star Japeth Paul Aguilar nang mag-surfing sa isang dagat sa La Union.

Pinasilip ng kumander ng Barangay Ginebra San Miguel big-man na si Cassandra ‘Cassy’ Naidas sa kanyang Instagram story Miterkoles ang basketbolista sa pagbalanse ng katawan habang nakasakay sa surf board at sumasabay sa hampas ng alon.

SM food to go Banner Ad

Hindi rin nagpahuli si misis dahil sinabayan ang mister na lumarga naman sa paglangoy at sisid.

“Hi, husband,” caption ni Mrs. Aguilar sa litrato nila ng 33-year-old, 6-foot-9 center habang nasa nasa karagatan.

Todo bonding muna sa ngayon ang mag-asawa dahil katatapos lang nitong December ang 45th PBA 2021 PH Cup bubble sa Clark, Pampanga. Sa April 9 pa ang ika-46 na edisyon ng pro league. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.