Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguilar pambala vs Almazan, Hugnatan

0 152

Smart Clark Giga City – Tatlo sa huling apat na Philippine Cup Finals pinag-agawan ng Ginebra at Meralco, pero hindi nagpasingit ang Gin Kings.

Parating ang pang-apat na series matchup, sa semifinals ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

“What’s this? Round 4 against Meralco?” ani coach Tim Cone sa bisperas ng bakbakan sa Smart 5G-powered Angeles University Foundation gym sa Angeles City.

Tatlong beses nang hari ng all-Filipino ang Gins pero huli noon pang 2006-07 edition. Sa kabilang banda, ngayon lang pumalaot sa semis ang Bolts sapul nang pumasok sa liga noong 2010 nang bilhin ang prangkisa ng Sta. Lucia Realty.

Habang tumatagal, pahirap nang pahirap ang matchup sa Meralco.

“This will be their toughest version yet with (Raymond) Almazan and the maturity of their young core. Plus the wily veteran (Reynel) Hugnatan,” paghimay ni Cone sa dalawang bigs ng kalaban.

Sina Almazan at 42-year-old Hugnatan ang pambalya ni coach Norman Black kay Japeth Aguilar.

“Coach Norman always gets the best out of his teams,” dagdag ng Ginebra tactician na Biyernes pa naghihintay sa semis matapos sipain sa isang laro sa quarters ang Rain or Shine.

“Their game plan and execution against San Miguel Beer was tremendous. We know we have a huge fight on our hands. It’s on us to prepare for it.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.