Abante Tonite Interactive

Aguilar puwedeng MVP —­ LA

752

Kung si Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio ang tatanungin, hindi na dapat intindihin ng Barangay Ginebra San Miguel ang pagkawala ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020 sa susunod na buwan.

Ito’y matapos na ianunsyo ni ‘Gregzilla’ sa ­Twitter account noong isang linggo ang pagpapahinga muna sa liga matapos mapaso ang kanyang kontrata nito lang Enero.

Saad ni Tenorio, wala na silang magagawa kung wala si Slaughter sa kanilang koponan.

“Hindi namin pwedeng problemahin iyan the whole conference. Wala siya. We just have to move on,” ayon sa Ginebra starting ­playmaker.

“It’s just like noong nawala siya, noong na-ACL siya. Ganoon din yun eh. We have to move on,” aniya pa.

Ayon pa ‘El Tinyente’, ito na ang pagkakataon ng ibang mga player para mag-step up, kasama ang kanilang mga big man.

“I think it’s better for the other players to step up. It’s time for them to step up and magpakilala dito sa team. Katulad nina Prince Caperal, Raymond Aguilar, meron na silang ­opportunity,” dagdag ng 5-foot-8 point guard.

Ngunit ang kanyang inaasahan ay ang biglang paglakas ni Japeth Paul Aguilar, na posible aniyang maging season MVP sa paglaho ni Slaughter sa team nila at maging ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa liga. (Ray Mark Patriarca)