Abante Tonite Interactive

Aguilar, Tan patok sa BOS Alex derby

261

Susungkit ng Pamasko ang mga sabungero sa Pamaskong Handog BOS Alex 4 –Cock Derby na may 60 entries na sa darating na Miyerkoles, Disyembre 18 sa Las Pinas Coliseum.

Liyamado rito sina LPC Mayor Vergel ‘Nene’ Aguilar, Onie Tan, Willie Camigla, Obet Bello, Sonny Aguilar, Jimmy Quilatan, Jojo Cabrera,Jessie Marquez, Rhoan Velez, Carlos Tumpalan, Charlie Tan, Pong San Pedro, Rudy Sayaman, Rox group at Vet Elorde.

May mababang entry fee na P7,700 lang dito na garantisado ang gantimpalang P400,000.

Sa wakas tapos nang apat na buwang taglugon,inaasahang ilalabas ng mga kasali ang mga astig na manok na panlaban nila.

Pero inihayag Sabado ni coliseum manager Alex Tobias, na puwede rin ang ‘Bakbakan’ at ‘Digmaan’ dito, at sa Martes, Dis. 17 ang pagsusumite ng lahok. Alas-12 ng tanghali naman ang unang siyapol sa may 120 mga tultada.

Tawagan o iteks si Grace 1 sa 8873 1040, 0929 1800 960,Grace 2 sa 0939 1376 455, o si Julius sa 0915 3582 076. (Enjel Manato)