Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguilar, Wong multa

0 377

Pinagmulta ni PBA Commissioner Willie Marcial ng tig-P20,000 sina Japeth Aguilar at Adrian Wong sa partisipasyon ng mga ito sa five-on-five basketball game na nakunan ng video noong isang araw.

Kahapon pinatawag at pinagpaliwanag ni Marcial ang Ginebra big man at Rain or Shine rookie. Kasama sa meeting sina deputy commissioner Eric Castro at PBA legal counsel Atty. Melvin Mendoza.

Hindi sinuspinde ang dalawa pero mahigpit na inabisuhan na magpa-swab test agad-agad, ngayong araw ng Martes.

Pagkatapos nito ay sasailalim pa sa mandatory 14-day quarantine ang dalawa bago ang isa pang confirmatory swab test.

Sasalang din sa tig-30 hours na community service sina Aguilar at Wong.

Nakunan ng video ang dalawa na naglalaro ng limahan sa isang gym sa San Juan. Kalaro nila sina Isaac Go, Thirdy Ravena at Kobe Paras.

Pagkatapos ng meeting sa PBA, sa mga opisyal ng Games and Amusements Board naman nagpaliwanag nina Aguilar at Wong. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.