Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aguirre kaladkarin sa `Pastillas’ Gang – De Lima

0 153

Kinuwestiyon ni Senador Leila de Lima kung bakit hindi kasama si dating Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II sa mga kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kontrobersiyal na `pastillas’ scheme.

“The pastillas scheme ladder cannot go only as high as the former BI ports operations chief Marc Red Mariñas,” sabi ni De Lima sa isang pahayag nito.

Sa pagdinig sa Senado, si Mariñas ang itinurong utak ng `Pastillas’ gang na diumano’y nangongolekta ng suhol mula sa mga Chinese high-roller at offshore gaming worker para madaling makapasok sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Marinas ay itinatalaga ni Aguire sa naturang posisyon sa BI.

Sa naturang imbestigasyon din iniugnay ng kolumnistang si Ramon Tulfo si Aguirre sa nasabing raket bagay na itinanggi ng dating DOJ chief.

“Bakit itong si Aguirre ay tila yata ligtas na ligtas sa lantarang gawain ng BI Pastillas syndicate,” ani De Lima. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.