Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Agustin puntirya konsehal

0 143

Puntirya ni Philippine Basketball Association assistant coach Renato ‘Ato’ Agustin ng San Miguel Beer ang pangalawang term bilang City of San Fernando (Pampanga) Councilor sa Pambansang Halalan 2022 sa darating na Mayo 9.

Nagwagi siya sa eleksiyon noong 2019 makaraang tapusin ang tatlong buong term noong 2004-13.

Bago nagpolitika, may matagumpay na pro career sa PBA ang 58-anyos at may taas na 5-11 na combo guard.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sa may 12 taon nu’ng 1989-97 at 1999-2001, nag-pro league MVP siya taong 1992, nakapitong titulo, anim na All-Star, at nakawalong korona bilang coach.

Tubo siyang Lubao, Pampanga bago nalipat sa Brgy. Dolores, San Fernando.

Naging 2009 SP Member Most Outstanding Sanggunian of the Philippines awardee siya sa antas na pambansa at noong 2008 naman sa panrehiyon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.