Abante Tonite Interactive

Ahanmisi, Adamson rumagasa kontra UE

0 287

Kumayod si Jerrick Ahanmisi ng pitong triple pa-28 points, 4 assists at tig-2 rebounds at blocks upang pangunahan ang Adamson Soaring Falcons sa pagdagit sa kulang sa armas na UE Red Warriors, 91-80, sa 82 UAAP seniors basketball tournament first 1st round elims Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.

Nasamantala pa ng ADU ang pagliban sa UE ni Senegalese big man Alex Diaknite na nasa ospital pa rin sa pagpapagaling sa dengue para sa ikawalang pananalasa at samahan sa second spot ang Sto. Tomas Growling Tigers sa 2-1.

Tmulong sa panalo ng San Marcelino-based dribblers sina Jerom Lastimosa na may 16 pts., 8 rebs., 6 asts. at 1 steal, Val Chauca na nagtala ng 13 puntos, apat na assist at dalawang rebounds at Lenda Dounga na may 11 points, 16 rebounds, at tig-isang assist at block para ibaon sa hulihan ang mga basketbolistang taga-Recto sa 0-3

‘Di kuntento si Franz Pumaren maski nakadalawang panalo ang kanyang kampo mula sa 70-52 bangungot ontra defending champion Ateneo Blue Eagles nitong Setyembre 4.

“This is our third game, but we’re really struggling chemistry-wise. Even if we won our second straight for that matter, we’re still trying to figure out the right combinations,” aniya.

Kapos ang performance ni Rey Suerte sa Wariors na 20 markers, 7 boards, 6 feeds at 2 stl., at ni Jed Mendoza na may 17 pts., 3 rebs., 4 asts. at 1 stl. (Janiel Abby Toralba)