Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ahanmisi atat na rin sa aksiyon

0 181

Tulad ng nakararami, atat na ring maglaro si Maverick Ahanmisi.

Balik sa ECQ ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan hanggang April 4, sinara muna ang mga gym.

Bawal ang sabayang ensayo kahit workout lang.

Hindi na rin ang unang planong April 18 ang opening ng PBA 46th Season.

Idinaan ng Alaska guard sa Twitter ang saloobin.

SM food to go Banner Ad

“The PBA bubble was tough mentally, but if that’s what we gotta do to play let’s get it,” anang 2016 Commissioner’s Cup champion nang nasa Rain or Shine pa.

Higit dalawang buwan na nasa Clark bubble ang 12 teams mula September ng nakaraang taon nang ituloy ang Philippine Cup sa Angeles University Foundation gym.

Inggit aniya siya sa mga ibang nakakapaglaro na.

“We are all tired of watching other countries play basketball already,” dagdag ng 29-year-old, 6-foot-2 Fil-Am. “We wanna play too.”

Sa bubble, nag-average si Ahanmisi ng 7.25 points, 4.88 rebounds at 2.88 assists bagama’t walong laro lang sumalang. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.