Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ahanmisi pambato sa opensa – Victolero

0 650

Halos kumpleto na ang Magnolia Pambansang Manok magdesisyon mang maglaro o mag-retire na si Marc Pingris sa PBA Season 46.

May nakalaan pa ring spot sa Pinoy Sakuragi.

“’Yung core ko, 11 to players, okay na,” lahad ni Chito Victolero nitong Lunes. “With Ping, 13 na kami. Dalawa na lang kulang. If ever, dagdag na lang kami ng role players.”

Pinaghandaan ang posibleng pagreretiro ni Pingris, big man ang hinanap ng Hotshots sa nakaraang draft. Pero nang maunahan sa unang kursunada, nag-Plan B ang Hotshots coach at hinugot si dating Adamson gunner Jerrick Ahanmisi sa 10th overall.

“’Nung nakuha mga una naming gusto, looking forward na kami sa best talent na sa tingin namin siya ‘yung best shooter sa lahat ng nagpa-draft,” dagdag ni Victolero sa nakababatang kapatid ni Maverick Ahanmisi ng Alaska.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maliban sa bata pa (23 years old), mataas ang percentage ng 6-foot-1 combo guard sa 3-point range – almost 40%.

“Plus, the fact na p’wede namin siyang gawing 2-3 na hinahanap din namin,” panapos na sambit ni Victolero.

Nasa puwesto ni Pingris sa frontline sina Ian Sangalang, Rafi Reavis, Kyle Pascual, Jackson Corpuz, Aris Dionisio at si Calvin Abueva na 2-3 din.

Ang kulang, pupunan ng Hotshots mula free agency o sa late draft choices nilang sina Andoy Estrella at Ronnie de Leon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.