Abante Tonite Interactive

Ahas bumulaga sa inidoro

277

Halos himatayin sa takot ang isang ginang makaraang bumulaga ang isang ahas sa loob ng isang inidoro sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa report sa pulisya, sinabi ni ­Diding Avila, taga-St. Anthony Street., Brgy. Holy Spirit, QC na gagamit sana siya sa CR ng kanyang manugang nang mamataan nitong may daga sa inidoro.

Tinangka niyang buhusan ng tubig ang inidoro ngunit sukat doo’y lumabas ang ahas na may habang limang talampakan kaya namumutlang nagtatakbong lumabas ng CR ang ginang.

Agad na humingi ng tulong ang pamilya-Avila sa kanilang mga kapitbahay at sa kanilang barangay saka nilagyan ng takip na plastic ang inidoro upang hindi makalabas ang ahas.

Hinuli ang nasabing ahas at nga­yon ay inilipat na sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) partikular sa Park’s and Wildlife.