Abante Tonite Interactive

Ahas kasi Kyline tutuklawin ang mga fan nina Miguel-Bianca

138

tonite-imo-vinia-vivar

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang mga basher ni Kyline Alcantara during “Kambal Karibal” days pa last year. Inakusahan kasi siya ng mga fan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na “ahas” and good thing, hindi naman ito ikina-trauma ng young actress who is only 16, by the way.

Ani Kyline, nang makausap namin sa presscon ng bago niyang ser­yeng “Inagaw na Bituin” ini-indulge na lang daw niya ang kanyang “ahas” title.

“Well, for me, you just gotta turn things into positivity. Kung baga, ako po, ini-indulge ko na po ‘yung “ahas”, tutuklawin ko kayo ng positivity, tutuklawin ko kayo ng pagmamahal,” pahayag ni Kyline.

Nasanay na rin daw siya dahil since 13 years old pa lang siya ay naba-bash na siya noong time na ginagawa niya “Annaliza” at kontrabida rin ang role niya.

Okay naman daw sila ni Miguel at nag-uusap naman daw sila. Wala raw silang isyung tatlo nina Bianca at happy raw siya sa dalawa.